Aking naaalala ang minsan aking nabasa na ang wika ay ginagamit ng ilan upang pagtakpan ang kanilang iniisip, ngunit sa aking karanasan, mas maraming gumagamit nito kaysa mag-isip.
Ang usapan ng negosyante ay dapat maregula ng mas konti at mas payak na mga pamantayan kumpara sa anumang ibang gampanin ng taong hayop. Ang mga ito ay:
Mayroong sasabihin.
Sabihin ito.
Tumigil magsalita.
Magsimula bago mo malaman ang iyong nais sabihin at magpatuloy matapos mong masabi ang makakapaghabla sa komprador o siya ay madala sa kahirapan, at ang una ay maigsing daan patungo sa pangalawa. Nagpapanatili ako rito ng kagawarang legal, at malaking pera ang nagagastos ko rito, ngunit ito ay para maiwasan ko ang pagpunta sa batas.
Tama lang yan kapag may babae kang nililigawan o nakikipag-usap ka sa mga kaibigan matapos ang hapunan upang makipagdaldalan na parang pamamasyal ng paaralang-pang-Linggo, na may mga paghinto upang pumitas ng mga bulaklak; ngunit sa opisina, maigsi lang dapat ang distansiya sa pagitan ng mga tuldok sa iyong mga pangungusap. Putulin ang paunang salita at ang diskurso, at huminto bago ka umabot sa pangalawa. Mangaral gamit ang maiigsing sermon upang mahuli ang mga nagkakasala; at ang mga diyakono ay hindi maniniwala na kailangan nila ng mahahaba. Ibigay sa mga hibang ang unang salita at sa mga kababaihan ang huli. Ang karne ay laging nasa gitna ng tinapay. Siyempre, ang konting mantekilya sa bawat tagiliran ay hindi makasasama kung ito ay para sa taong mahilig sa mantekilya.
Tandaan din na mas madaling magmukhang mautak kaysa magsalita nang may kaalaman. Magsalita nang mas konti kaysa sa ibang tao at mas makinig kaysa magsalita; kapag ang tao ay nakikinig, wala siyang sinasabi tungkol sa kaniyang sarili at pinupuri niya ang taong nagsasalita. Bigyan nang mahusay na makikinig ang karamihan ng tao at ang mga kababaihan ng sapat na sulatang-papel at sasabihin nila lahat ng kanilang nalalaman. Nagsasalita ang pera—ngunit maliban kung maluwag ang dila ng may-ari, laging nakasasakit ng damdamin ang mga binabanggit nito. Nakakapagsalita din ang kahirapan, ngunit walang gustong makinig sa sasabihin nito.